Mga esports at gaming personalities, nag-alok ng tulong sa mga biktima ng bagyo at habagat

Rico Lucero
PHOTO COURTESY: WISE GAMING

Dahil sa kalamidad na naranasan ng bansa dulot ng hagupit ng Bagyong Carina at epekto ng Habagat, nagpaabot ng tulong ang mga nasa hanay ng esports and gaming personalities para sa mga nasalanta ng kalamidad kamakailan.

Sa post ni social media page content creator na si  Elyson "Wrecker" Caranza, kasama niya ang kaniyang team, sinuong nila ang pagbaha sa Araneta Village sa Malabon City para mag-alok ng suporta at tulong Nagdala sila ng mga rescue boat para mailikas ang mga residente sa malawakang pagbaha.

Samantala, ang mga grupo namang Aurora's Royal Duo of Johnmar "OhMyV33nus" Villaluna at Danerie James "Wise" Del Rosario ay nangalap at tumanggap ng mga donasyon para maipamahagi sa mga nasalanta ng kalamidad.

Ang team ni  Setsuna "Akosi Dogie" Ignacio nakapangalap ng donasyon sa pamamagitan ng livestreaming at ang nakalap sila ng pondo at  siyang ginamit para maibigay na tulong sa mga nangangailangan sa panahon ng pananalasa ng bagyong Carina at ng Habagat.

Ang Team Secret naman ay ginamit ang social media pages para magbigay ng paalala para sa mga protocol at mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

Nagpost din sila ng mga emergency hotlines para sa mga maaring tawagan kung sakaling managailangan ng tulong.

Lubos naman ang kanilang pasasalamat sa mga patuloy na sumuporta at nagbigay ng donasyon sa pamamagitan nila.