Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

Patungo na sa Ilocos Norte ang nasa mahigit 15,000 mga delegado ng Palarong Pambansa na isasagawa sa Mayo 24 hanggang 30 sa Marcos Stadium, Laoag City.
Kabilang sa mga delegado ng Palarong Pambansa ay ang mga student-athletes, coaches, at game officials mula sa 20 athletic associations sa buong bansa na binubuo ng 18 rehiyon, kasama ang National Academy of Sports at ang Philippine Schools Overseas.
Isasagawa ang mga palaro sa naturang lalawigan sa labing isang mga munisipalidad at bayan na kinabibilangan ng mga sumusunod: Laoag City, Batac City, Bacarra, Burgos, Dingras, San Nicolas, Pasuquin, Piddig, Paoay, at bayan ng Sarrat.
Magugunitang huling ginanap ang Palarong Pambansa sa Ilocos Norte noong pang 1968 kung saan ang ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. pa ang pangulo noon ng Republika ang Pilipinas.
Nananatili namang defending champion ang NCR na nakapag-uwi ng 17 straight Palaro wins, na ang pinakahuli sa mga ito ay ang Palarong Pambansa nitong nakalipas na taon na ginanap sa Cebu City.
Samantala, sa taong ito ng Palarong Pambansa ay may mga ginawang pagbabago ang mga organizer kung saan kasama na rito ang ang pagdagdag ng sport na weightlifting bilang isang demonstration sport, habang ang pole vault (secondary girls) at pencak silat ay magiging regular sports na habang pasok din sa Palarong Pambansa sa taong ito ang laro ng Lahi o Larong Pinoy.
