Mga bagong sporting event asahan na sa 2028 LA Olympics.

Jet Hilario
Photo courtesy: Chris J Ratcliffe / Getty Images

May mga bagong sports ang inaasahang mapapasama sa 2028 LA Olympics, ang mga to ay ang baseball, softball, flag football, lacrosse (sixes), squash at T20 cricket. 

Ang larong cricket ay huling natunghayan noong Paris Olympics taong 1900, habang ang flag football at squash ay mga larong maaring ipasok sa LA Olympics subalit sa ngayon ay pinag-aaralan pa ito. 

Opisyal nang isinama ang mga sports na ito para mapasama sa LA 2028 Olympic program matapos na ma aprubahan ang desisyon ng 141st session ng International Olympic Committee IOC.

Dahil dito ay aabot sa 36  ang kabuuang sport event ang maaring lahukan ng mga manlalaro sa LA Olympics kumpara sa 32 sports sa nakalipas na Paris Olympics. 

Samantala, nananatili sa provisional status ang sport na boxing habang isinasapinal pa ang pag reporma sa mamamahala nito sa susunod na Olympic Games

Maaaring sa huling bahagi ng 2025 maglabas ng pasya ang IOC kung mapapasama pa ang boxing sa sa sporting event sa 2028 LA Olympics.