Meralco at Magnolia unang maghaharap sa pagbubukas ng PBA

Jet Hilario
Photo Courtesy: PBA Images

Maghaharap na ang Magnolia at Meralco Bolts sa muling pagbubukas ng PBA Governor’s Cup season 49 sa Linggo, August 18 sa Smart Araneta Coliseum. 

Bago ang simula ng laro ay ipapakita muna sa Leo Awards ang mga top achievers noong nakaraang season. 

Ang mga laro ng PBA ay issagawa sa loob ng anim na araw kada linggo para matapos agad ang elimination round sa susunod na buwan. 

Ang naturang hakbang ay upang paikliin ang game conference para bigyang  daan ang magiging kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2nd window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Nobyembre. 

Samantala, magsasagawa naman ng tatlong laro ang PBA sa labas ng Metro Manila kung saan

isa rito ay isasagawa sa Candon City, Ilocos Sur sa Agosto 24 kung saan maghaharap ang Barangay Ginebra at Rain or Shine. Sa Agosto 31 naman maglalaban ang San Miguel Beermen at NLEX Road Warriors sa Cagayan De Oro City at sa Setyembre 7, muling maghaharap ang Meralco at Magnolia sa Panabo City, Davao.