Melvin Jerusalem dedepensahan ang WBC title vs. Mexican boxer
Dedepensahan ni Pinoy Boxer Melvin Jerusalem ang kaniyang WBC minimumweight crown laban kay Luis Castillo ng Mexico sa Sept. 22.
Ang naturang laban ni Jerusalem ang magiging unang major card na nagtatampok ng world title fight sa Manny Pacquiao Presents: Blow-By-Blow.
Hindi naman mapigilan ni Pacquiao na ipahayag ang kanyang pananabik sa mga prospect ng isang Filipino world champion na ipagsapalaran ang kanyang titulo sa home soil laban sa 105 -pound division's No. 1 contender.
Magugunitang si Jerusalem, ay lumaban at nanalo sa WBC plum noong Marso sa pamamagitan ng paggitgit kay Yudai Shigeoka ng Japan sa pamamagitan ng split decision sa Nagoya.
Si Jerusalem ay may hawak ngayong boxing record na 22-3-0 win-loss-draw record na may 12 knockouts, habang si Castillo naman ay may walang talo na 22-0-1 card na may 13 knockouts.
Samantala, magbabalik lona rin ang dating super flyweight king na si Jerwin Ancajas sa undercard.
Nilalayon ni Ancajas (34-4-2, 23 KOs), na makabalik sa landas matapos ang napakagandang knockout loss kay Takuma Inoue noong Pebrero.
Matatandaang si Ancajas ay dati nang may hawak ng IBF strap mula 2016 hanggang 2022.