Mark Palomar kakalabanin ang Chinese MMA fighter na si Darui Tang sa URCC Fight Night
Nakatakdang labanan ni Mark Palomar ang Chinese MMA fighter na si Darui Tang sa nalalapit na pakikipagtuos nito sa Fight Night ng Universal Reality Combat Championship o URCC sa Setyembre 28 sa Makati City.
Si Palomar, na kasalukuyang may hawak na 1-3 win-loss record, ay nagnanais na manalo sa kanyang pagbabalik sa mixed martial arts.
Matatandang huling lumaban si Palomar noong January 2020 kung saan natalo siya ni Mark Gatmaitan via submission. Ngayong handa na siyang muli sa pakikipaglaban, hindi nito sinayang ang panahon at araw-araw ang ginawa niyang pag-eensayo.
“I train everyday, and I do not miss any schedule, especially now. I am very thrilled and excited, he will eat my fist, and I guarantee that,” saad ni Palomar.
Samantala, si Tang naman ay dating wushu sanda practitioner at may hawak na 10-3 win-loss record.
Tiniyak naman ni URCC President Alvin Aguilar na magiging kapanapanabik ang magiging laban sa pagitan ng dalawang heavyweight contenders kaya hindi ito dapat palampasin.
“Ito ay magiging isang mahusay na laban sa pagitan ng dalawang heavyweight na mandirigma mula sa Pilipinas at China. Ito ay magiging isang kapanapanabik na pag-aaway ng dalawang heavyweights," ayon kay Aguilar.