Marcial, dismayado at bigong maipanalo ang laban vs. Uzbekistan
Bigong makuha at dismayado ang Pinoy boxer na si Eumir Marcial na maipanalo ang men’s 80 kgs. kontra kay Turabek Khabibullaev mula sa Uzbekistan.
Bahagyang nahirapan din si Marcial sa kaniyang kalaban at ito naman ang sinamantala ng Uzbekistan boxer ang kaniyang tangkad at haba ng kamay para makuha ang score mula sa limang judges.
Dahil dito ay nakuha ng Uzbekistan ang panalo via unamous decision.
Aang hinahangad ni Marcial na makakuha ng gintong medalya sa Olympic ngayon ay hindi na matutupad.
Bagaman bigo sa kaniyang naging laban ay pinasalamatan pa rin ni Marcial ang mga sumuporta sa kaniya at humingi na rin ito ng pasensiya dahil sa pagkatalo niya.
“Naghihingi lang po ako ng pasensya sa lahat ng Pilipino na naniwala at sumuporta sakin, sana po ganun pa rin yung suporta nila sakin,”
“Sobrang proud ko po na nag-represent ako ulit sa Olympics.”
Samantala, sunod na makakalaban naman niTurabek Khabibullaev ay si Arlen Lopez ng Cuba.