Manny Pacquiao tinanghal na No. 1 best Asian athlete of the 21st century ng ESPN
Tinanghal bilang best Asian athlete of the 21st century ng ESPN si Pambansang Kamao at eight-time world division champion,at former senator Manny “Pacman” Pacquiao.
Kinilala rin ng ESPN si Pacquiao bilang greatest boxer of all times.
Ito ay dahil sa pagkakapanalo nito ng iba’t ibang boxing titles sa 8 weight division.
Ang mga natamong tagumpay ni Pacquiao sa larangan ng boxing ang nagpapatunay na nagkaroon ito ng malaking impact sa publiko at sa mundo ng boxing at mag-iiwan ng legacy para sa mga papausbong na mga atleta na nagnanais din sumabak sa larong boxing.
Si Pacquiao at mayroong boxing record na 72 na laban, kung saan 62 sa mga ito ay kaniyang naipanalo, 39 dito ay panalo via knockout, 8 talo at 2 draw.
Matatandaang dating nasa rank 71st si Pacquiao sa listahan ng ng ESPN bilang top Asian Athletes na kalauna’y pinuna ng publiko lalo ng mga netizen sa social media na dapat aniya daw ay napunta si Pacquiao sa mas mataas na ranking.