Manny Pacquiao, nasa Japan na para sa laban nito kay Japanese kickboxer Rukiya Anpo
Nasa bansang Japan na si Pambansang Kamao at eight-time world division champion, Manny “Pacman” Pacquiao para sa nalalapit na laban nito kay Japanese kickboxer na si Rukiya Anpo.
Kasama ni Pacquiao ang kaniyang buong pamilya at ang kaniyang team para sa Japan ituloy ang pagahahanda para sa laban nito kay Anpo.
Ito ang muling pagbabalik sa ring ni Pacquiao mula noong 2022 matapos ang kaniyang exhibition fight kay Korean martial artist DK Yoo, kung saan nahirapan din si Pacman na talunin ito.
Sa exhibition fight ni Pacquiao kontra Anpo ito ay naka set lamang sa isang 3-round bout, kung saan bahagi na rin ito ng kaniyang warm up fight sakaling matuloy ang laban niya kay Mario Barrios para sa WBC welterweight crown bago matapos ang 2024.
Matatandaang una nang nagretiro sa larong boksing si Pacquiao noong 2021 matapos na matalo siya ni Yordenis Ugas ng Cuba para sa WBO welterweight championship.