Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

Hindi pa man nagsisimula ang bakbakan sa pagitan nina eight-division world champion na si Manny “PacMan” Pacquiao at ni Mexican boxer Mario Barrios ay may nais na agad humamon sa sinumang magwawagi sa darating na Hulyo 19.
Ito ang ipinahayag ng wala pang talong si WBO welterweight champion Brian Norman Jr. kung saan handa umano siyang harapin ang sinumang manalo sa sagupaan ng dating eight-division world champion Pacquiao at kasalukuyang WBC welterweight title holder Barrios.
“Whoever wins—Mario Barrios or the great Manny Pacquiao—the WBC belt is mine. So, whoever wins that, shout out to him. But you got a young gun in the game. Let’s make it happen,” ani Norman Jr.
Sa ngayon, puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Pacquiao sa Wild Card Boxing Gym sa Los Angeles, California sa ilalim ng kanyang long-time trainer na si Freddie Roach kung saan may malinis itong record na 62-8-2, 39 KOs.
Target ng 46-anyos dating senador ang WBC welterweight belt na hawak ngayon ng mas batang si Barrios na may record na 29-2-1, 18 KOs.
Huling lumaban si Pacquiao noong 2021 laban kay Yordenis Ugas ng Cuba kung saan siya natalo via unanimous decision, dahilan para mabitawan niya ang kanyang WBA welterweight title.
Sakalling manalo sa laban si “Pambansang” Kamao Manny Pacquiao kontra kay Mario Barrios, posibleng masundan ito ng isa pang matinding salpukan kontra naman sa batang bituin na at WBO Champion na si Brian Norman Jr.
