Magnolia Hotshots tinambakan ang Dyip

Jet Hilario
photo courtesy: PBA

Tinambakan ng Magnolia Hotshots ang Terrafirma Dyip sa score na 124-103 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup nitong Linggo.

Naging magandang pagkakataon ito para sa Magnolia para makabangon mula sa malungkot na pagkatalo mula sa TNT noong Huwebes kung saan nakuha na nila ang 2-2 standing habang lagapak naman ang Terrafirma sa 0-4. 

Ikinatuwa ni Magnolia Coach Victolero ang paglalaro ni Jerick Ahanmisi na naka buslo ng apat na 4-pointers bukod pa sa dalawang triples, habang nagpasabog pa ito ng 10 puntos sa kanyang output sa second period na nagpasigla sa breakaway ng Magnolia sa 63-32 lead sa first half ng laro. 

Nanguna sa panalo ang 26-anyos na guard na Jerrick Ahanmisi na nagtala ng career-high na 24 points, dalawang assists at dalawang steals.

Nakapag-ambag din si import Glenn Robinson III ng 20 points at 13 rebounds habang si Zavier Lucero ay mayroong 15 points, limang rebounds at tatlong assists.

Bago naman ang pagsabog ni Ahanmisi, si Robinson ang pangunahing naging dahilan kung kaya lumamang agad ng maaga ang Hotshots bago tuluyang nagtapos na may 20 puntos at 13 rebounds sa kabila ng laban sa food poisoning sa bisperas ng laban.

Sina Zav Lucero, Ian Sangalang, Paul Lee at Joseph Eriobu ay nagtapos na may tig-12 puntos.

Ang 31-point halftime lead ng Magnolia sa ngayon ang pinakamalaki sa alinmang koponan mula nang itayo ng Phoenix ang 67-30 bulge sa Dyip pagkatapos ng 24 minuto sa kanilang 2022-23 Commissioner's Cup meeting.

Samantala, umiskor naman si Stanley Pringle ng 23 puntos para sa Terrafirma habang si Christian Standhardinger ay nagkaroon ng pinakamahusay na laro sa kanyang bagong koponan na may 22 puntos at 12 rebounds.

Lubha namang nagpahina sa tsansa ng panalo ngTerrafirma ang mga pinsalang natamo nina Juami Tiongson, Kemark Carino at Antonio Hester na nagpapigil sa kanila sa paglalaro sa buong second half.

Sinubukan naman ni rookie guard na si Paolo Hernandez na punan ang pagod ng kanyang career-high na 18 puntos na nakaangkla sa 3-of-4 shooting mula sa kabila ng arko, ngunit ang kanyang mga pagsisikap para maiahon ang Dyip sa pagkalugmok ay hindi na kinaya ng  mas balanseng pagsisikap ng Magnolia na maipanalo ang laban.

The Scores :

MAGNOLIA 124 - Ahanmisi 24, Robinson III 20, Lucero 15, Sangalang 14, Lee 13, Eriobu 12, Balanza 7, Barroca 6, Laput 6, Dionisio 4, Abueva 3, Mendoza 0, Reavis 0, Dela Rosa 0, Alfaro 0.

TERRAFIRMA 103 - Pringle 23, Standhardinger 22, Hernandez 18, Sangalang 9, Ramos 9, Ferrer 7, Hanapi 7, Cahilig 6, Hester 2, Tiongson 0, Olivario 0, Carino 0.

QUARTERS: 34-13 , 63-32, 86-64, 124-103

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
7
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more