Maddie Madayag sasabak sa Japan V League
Hindi muna masisilayan ang kapitan ng choco mucho flying titan na si Maddie Madayag, dahil nakatakda itong sumabak sa Japan V League kung saan maglalaro ito para sa Kurobe Aqua Fairies.
Ito ang kinumpirma ng ChocoMucho at Kurobe matapos ang paglipat ni Madayag at pagbibigay ng sendoff sa kanya.
Makakasama ni Madayag ang kapwa Ateneo champion at Denso Airybees na si Jia de Guzman bilang dalawang nag-iisang Filipina sa pinag-isang volleyball league ng Japan.
Si Madayag ang magiging ikatlong import sa koponan kasama ni Iris Scholten at Lena Stigrot.
“Join us in sending our captain, Maddie Madayag, all the best as she takes on with the Kubota Aqua Fairies. We’re incredibly proud of you, Maddie, for seizing this amazing opportunity in your career. Your Choco Mucho family is with you every step of the way.“
Masaya din ang team choco mucho sa pag-usad ng career ni Madayag lalo na sa tinatahak nitong karera sa mundo ng volleyball.
Susundan ni Madayag ang mga nagawa nina Jaja Santiago, na kinikilala na bilang si Sachi Minowa, at si Julia Melissa Morado De Guzman.