“The Lion King” lalaban sa ONE Friday Fights 74
Matapos ang makasaysayang pagkakasungkit ni Carlos Yulo ng gintong medalya sa Paris Olympics, nais ng mixed martial artist na si Moises “The Lion King” Ilogon na ituloy ang tagumpay ng mga Pinoy sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang sariling laban at panalo sa ONE ring.
Lalaban si Ilogon sa ONE Friday Fights 74 sa Bangkok, Thailand.
Makakaharap ni Ilogon si Lee Seung Chul ng South Korea sa isang three-round strawweight MMA bout.
Sinabi ni Ilogon na inspirado siya na makita ang kaniyang kapwa Pilipino na nagtatagumpay
Nagiging motivation din aniya niya ito dahilan kaya gagawin niya ang lahat para sa nalalapit niyang laban.
"Seeing my fellow Filipinos achieve such incredible feats on the world stage is inspiring," It motivates me to push harder and give my best in my upcoming fight." ani Ilogon
Si Ilogon ay nanalo sa kaniyang huling laban kontra kay Cho Joon Gun ng South Korea nitong nakalipas na taon via TKO.
Si Ilogon ay may hawak na record ngayong 3-0-0 win-loss-draw, samantalang si Lee ay may hawak na 7-1 win-loss record.
Itinuturing ni Ilogon na mahirap at mabigat na kalaban si Lee, subalit iginagalang niya ang kasanayan ng kalaban at pagtutuunan nito ng pansin ang sarili niyang plano para maipanalo ang kaniyang laban.
“I respect Lee’s skills and his reputation, but I’m focused on my own game plan and capabilities. This is an opportunity for me to show that Filipino fighters can excel on any stage, against any opponent,” sabi ni Ilogon.