Lemetti “heartbroken” sa buzzer-beater na tumabon sa kanyang career-game
Nakaramdam ng pagkadismaya ang Fil-Swedish rookie guard ng Rain or Shine Elasto Painters matapos makalasap ng unang pagkabigo sa PBA 49th Season Governors’ Cup sa kamay ng San Miguel Beermen sa score na 113-112, kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.
“Heartbroken,” sabi ng nakangiting si Lemetti matapos ang kanilang masakit na pagkatalo. “After coming back like that as a team, made some stops, made some big shots, and then lose like that, it’s tough.”
“But if we’re going to lose anyway, then let it be on a shot like that,” patungkol ng rookie sa buzzer-beater jumper ni June Mar Fajardo na nagbigay sa kanila ang pagkatalo.
Ang pagkatalo ay tinabunan ang career game ng Rain or Shine No. 8 overall pick noong nakaraang PBA draft, kung saan si Lemetti ay kumamada ng 28 puntos sa 7-of-11 shooting sa field, kasama na ang 5-of-6 mula sa three-point area, at 1-of-1 sa four-point arc.
Muntik na maging hero ng laro sa Lemetti sa pagpasok nya ng apat na sunod na free throws ng ma-foul siya ni Chris Ross sa four-point area. Sa pagbuslo ng apat na freebies, naibigay ng rookie ang 112-111 kalamangan para sa Elasto Painters.
Ngunit ang tatlong segundo na natitira sa laro ay naging sapat para agawin ng 8x MVP ang spotlight mula sa ROS rookie. Naipasok ni JMF ang huling tira na tumalbog pa sa rim bago tuluyang mahulog sa net upang maibigay ang panalo para sa Beermen.
Ayon kay Lemetti, inaasahan niya na mag-foul ang San Miguel sa final play ng ROS upang dalawang free throws lang ang maibigay sa Elasto Painters dahil ayaw ng Beermen na makapukol pa mula sa four-point area ang kalaban. Kaya ng makita niya na parating na si Ross upang magbigay ng foul ay agad niya tinira ang bola para makakuha ng act-of-shooting foul.
“The usual play in basketball is when you’re up three, you want to foul and give them two free throws. And I realized they’re going to do that. And once I saw him (Ross) reach in, I just put in the shot,” pagsasad niya kung paano nangyari ang crucial play.
“I’m hearing the crowd and everything. But once I get my routine, its kind like of a muscle memory,” paliwanag niya ng maipasok ang apat na free throws kung saan tinapos inya ito ng kanyang 7-of-8 shooting sa foul line.
Sinabi din ng rookie na isang “great experience” ang makaharap ang isang champion team tulad ng SMB at inaabangan na niya ang muli nilang paghaharap sa September 19, sa Round 2 ng elimination.
“I think it’s such a good thing to play a good team like San Miguel. We get to see them again, hopefully, when we get a run to the playoffs. Just getting used to guarding June Mar and their import.”
“Getting that first taste of it, hopefully we can practice to get better as a team, as a whole. And next time give them a better fight. Hopefully, not lose that way, and hopefully not get into that last shot,” pagtatapos ni Lemetti.