Laro Pilipinas Exclusive: Panayam kay UE Red Warriors coach Jack Santiago

Ginulat ng UE Red Warriors ang defending champion na De La Salle Green Archers matapos ang dikitang laban, 75-71, na ginanap sa SM MOA Arena nitong nakaraang Linggo, Setyembre 22. 

Dito natanggap ng La Salle ang kanilang unang pagkatalo sa basketball men’s tournament ng UAAP Season 87 sa harap ng mahigit na anim na libong manonood.

Sa eksklusibong panayam ng Laro Pilipinas, ibinahagi ni UE Red Warrior head coach Jack Santiago ang ilan sa mga contributing factors na nagdala sa kanilang tagumpay laban sa Archers. 

Ayon kay coach Jack, isa sa mga naging susi sa kanilang pagkapanalo ay ang teamwork, pati na rin ang kanilang pagiging unselfish sa laro at pagsapuso ang labang ito. 

"I think our teamwork played a very important role in our win against La Salle. Our players played unselfish basketball and everybody showed heart, and to me that’s what led us to winning the game," sabi ni Santiago.

Idinagdag pa ni coach Jack na naging maayos din ang kanilang pagsasanay bago ang laban at nagkaisa sila ng determinasyon na magkaroon ng isang maganda at malakas na simula. Pinag-aralan din nila ang bawat kilos at laro ng kanilang kalaban bago sila humarap sa hardcourt. 

Bagama’t sa simula ay naging maganda at malakas ang kanilang hatak kontra Archers, ramdam ng Red Warriors ang panggigigil ng kanilang kalaban sa pangunguna ni reigning UAAP Season 86 MVP Kevin Quiambao na sinuportahan ng kanyang partner na si Michael Philipps na makuha sana ang 4-0 winning streak sa torneo.

Hindi naman nagpatinag at nagpasindak ang mga bata ni coach Jack bagkus humanap sila ng paraan para malampasan ang napakahigpit na depensang ibinabato sa kanila ng kalaban para hindi makamit ang inaasam na panalo. 

"We changed match ups and as a team we agreed that we needed to have a strong start. Playing against the defending champions, we made sure that we spent extra time learning their game and made sure that we are ready come game day," sabi pa ni coach Santiago. 

Tila umayon naman sa kanila ang kanilang pinagplanuhan at ang pagkakataon dahil noong mismong araw ng kanilang laban sa pagitan ng Archers ay malayo na agad ang kanilang naitatag na kalamangan sa first quarter pa lamang kung saan nagtala sila ng 28-11 na advantage.

Nang tanungin namin sila sa mga hamong kanilang hinarap, binanggit ni coach: "Of course, their full court press will always be a challenge playing against La Salle. As a team it is something that we really spent time working on at practice. We made sure to learn how to break their defense and that we do well on ours too."

itinuturing ng Red Warriors na matamis na tagumpay ang nakamit nilang panalo na maari nilang ipagmalaki sa kahit kanino man subalit mahalagang pinili nila ang manatili sa kanilang koponan ang kababaan ng kalooban.

"What I love about this team is that they are very humble kids. I always tell them that in times of victory, they should always keep themselves grounded," pagmamalaki ni coach Santiago sa kaniyang mga manlalaro.

Ikinatuwa din ng mga mahilig sa basketball ang kanilang pagkapanalo at naisip ng nakararami na maaaring malayo pa ang kanilang mararating ngayong season dahil sa stellar play na kanilang ipinamalas noong Linggo na sinundan pa ng career-game ni John Abate na umiskor ng 20 puntos habang nagpakawala din ng perpektong 3-of-3 sa three-point area at humakot ng apat na rebounds, at nagpalubog pa ng two-crucial free throws sa may 3.4 na segundong natitira sa timer para tuluyang maangkin ang tagumpay ng UE.

Samantala, muli namang nagpaalala si coach Jack sa kanyang koponan na masyado pa umanong maaga para magsaya dahil marami pang pwedeng maganap bago nila tuluyang maabot ang final four o masungkit ang championship. 

"It’s too early to say but, of course, every team is looking to be in the final four. Obviously, it’s not going to be a piece of cake. We still have to work very hard to make sure that we are on the right path and are following our system to ensure that we reach our goals this season," sabi niya sa Laro Pilipinas.

Marami mang balakid ang kahaharapin nina Coach Jack at UE Red Warriors, ang kanilang naging tagumpay kontra DLSU Green Archers ay magsisilbing hakbang upang lalo pang magsumikap ang kanilang koponan at magiging susi ito upang buksan ang daan patungo sa kanilang layuning marating ang rurok ng kanilang pangarap at tagumpay patungong championship at makamit ang respeto mula sa iba pang mga koponan.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
7
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more