Laban ni Zamboanga sa Oktubre naantala dahil sa Injury
Maghihintay pa ng ilang panahon para makamit ang isa pang ONE Championship title shot para kay Filipino mixed martial artist na si Denice Zamboanga.
Si Zamboanga, ay nakatakda sanang lumaban kay Alyona Rassohyna ng Ukraine sa ONE Fight Night 25: Nicolas vs. Eersell II sa Oktubre, subalit sa kasamaang palad ay ay kailangang umupo sa ONE interim atomweight MMA championship match out dahil sa isang hamstring injury.
Nagtamo ang No. 2 women’s atomweight ng injury habang nasa pagsasanay.
"Unfortunately, during one of my sparring sessions, I heard a loud snap, and I knew right away that something was seriously wrong. It's heartbreaking because I’ve been waiting for this opportunity for so long,” ani Zamboanga.
Dapat sana ay lalaban si Zamboanga noong Marso para sa atomweight title kay Faitex Stamp subalit ang laban ay na-reschedule ng Hunyo.
Ngunit si Stamp ay nagkaroon ng injury dalawang linggo bago ang laban, kung kaya napilitan na lamang na labanan ni Zamboanga si Noelle Grandjean ng France kung saan nanalo siya sa pamamagitan ng unanimous decision.
Sa ngayon, kakailanganin niya ang isa hanggang dalawang buwang therapy bago siya ma-clear muli sa pagsasanay. Itinuturing naman ni Zamboanga na ang nangyari sa kanya ay bahagi ng pagsubok ng buhay at nananatili pa rin aniya ang kanyang pag-asa at pangarap na balang araw ay magiging world champion siya.
"I've faced challenges before, and I'll face them again. My dream of becoming a World Champion is still alive, and I won't stop until I achieve it," dagdag ni Zamboanga.
Samantala, nagpaabot naman ng mensahe si Stamp kay Zamboanga sa pinsala na natamo nito sa pagsasanay at umaasa ito na agad maghihilom ang pinsalang tinamo nito..
“I'm sorry to hear about Denice's injury. I was really excited about Denice's fight with Alyona. It was a highly anticipated match,” I hope she recovers quickly and can get back to training soon,” Stamp stated. “Wishing you a speedy recovery, my friend!” ani Stamp.