Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

Hindi na pinatagal ni Pinoy boxer Kenneth Llover ang laban nito sa Tokyo Japan kagabi, March 25, kontra kay former OPBF Bantamweight Champion Keita Kurihara sa pamamagitan ng knockout win.
Talong beses pinabagsak ni Llover ang kalabang Hapones bago itigil ng referee ang laban at tuluyang makuha ng Pinoy boxer ang titulo.
Sa simula ng unang round ng laban ay nagpakita na agad ng pagiging agresibo ni Llover subalit maingat itong nagbibitaw ng mga suntok at counterpunch.
Dahil sa panalo ay may malinis na itong 14-0 win-loss record kung saan 9 sa mga panalo nito ay knockout at hawak na nito ang titulong Oriental and Pacific Boxing Federation sa bantamweight division.
Una nang sinabi ni Llover bago ang laban nito kay Kurihara na naging puspusan ang ginawa nitong paghahanda sa laban para talunin si Kurihara.
“I’ve been training hard and I know that I will be ready when we face each other," ani Llover.
Si Kurihara naman ngayon ay mayroon na itong boxing record na 19 wins kung saan 16 sa mga ito ay KO’s at 2 talo.
Si Kurihara din ang nagpatumba kay Froilan “The Sniper” Saludar sa pamamagitan ng eighth-round stoppage noong Enero 26, 2024 sa kanilang rematch kasama ang International Boxing Federation (IBF) Pan Pacific title.
Matatandaang naging matagumpay din ang laban ng 22-anyos mula General Trias, Cavite na masungkit ang interim belt sa pamamagitan ng impresibong first round technical knockout laban sa isa pang Hapones na si Tulio Dekanarudo noong nakaraang Disyembre 15, 2024 sa Osaka Japan.
