Junto Nakatani, target makalaban si Naoya “The Monster” Inoue
Matapos talunin ni Junto Nakatani si VIncent Astrolabio, sunod namang puntirya nito na makalaban ay si Super bantamweight boxer Naoya “The Monster” Inoue.
Bago mangyari ito, apat na titulo ang kailangang lampasan at pagdaanan ni Nakatani sa timbang na 118lbs.
Kailangan din ni Nakatani na labanan sina Ryosuke Nishida na hawak ngayon ang IBF title, Yoshiki Takei na isang WBO champion, at ang nakababatang kapatid ni Naoya na si Takuma Inoue na mayroon ding hawak na WBA belt.
Matatandaang unang naging world champion si Nakatani noong November 2020 at flyweight division nang kaniyang talunin si Giemel Magramo.
Tinalo rin niya si Andrew Maloney sa kanilang 12th round fight noong Mayo 2023.
Una ring nadepensahan ni Nakatani ang kaniyang titulo nang matalo niya si Alexandro Santiago via knockout nitong Pebrero 2024.
Tinalo rin ni Nakatani si Argi Cortes noong nakaraang taon kung kaya umakyat muli ito sa titulong bantamweight at naging three-weight world champion ngayon.