Joseph Javiniar, wagi sa Stage 5 ng 2025 MPTC Tour of Luzon

JosephJaviniar Philippines Cycling
Jet Hilario
photo courtesy: Tour of Luzon

Mula sa dating pagiging waiter ay wagi na ngayon sa Cycling. 

Ito ang pinatunayan ni Joseph Javiniar kung saan nasungkit nito ang unang yugto ng kanyang tagumpay sa MPTC Tour ng Luzon, kahapon, Abril 28 sa Filinvest Mimosa Acacia Drive sa Clark, Pampanga.

Nai-rehistro ni Javiniar ang tatlong oras, 29 minuto at 20 segundo para pag­harian ang 166.65 Clark-Clark Stage 5. Naunahan din nito sa finish line sina Jonel Carcueva ng MPT Drivehub at Marc Ryan Lago ng Go For Gold Cycling Team na parehong may 42 segundo ang agwat.

“Last five kilometers kumawala na po ako. Bale pito po kami na nag-breakaway sa Sacobia Bridge (Mabalacat, Pampanga),” ani Javiniar. 

Ayon kay Javiniar, hindi niya akalain na masusungkit nito ang panalo sa Stage 5, at dumating pa aniya sa punto na gusto na nitong umatras sa laban. 

“Hindi ko ine-expect na mananalo ako. Sobrang hirap ng breakaway from start to finish. Tiniis ko na lang talaga,” dagdag pa ni Javiniar. 

Si Javiniar ay tubong Pagsanjan, Laguna at dati rin itong nagsilbing waiter sa kanilang bayan bago sumabak sa cycling. Pangarap din ni Javiniar na maging isang alagad ng batas subalit dahil na rin sa kahirapan ng buhay ay hindi na niya ito na ipagpatuloy at itinuon nalang ang pansin sa cycling. 

“I worked as a waiter in Pagsanjan before I focused on cycling, all of us in cycling are dreaming to become champions, and I’m one of them,” sabi pa ni Javiniar. 

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more