Italian boxer hindi na tinapos ang laban kontra Algerian boxer.
Hindi pa man nag-iinit ang laban sa loob ng boxing ring, tinapos na agad ni Italian boxer Angela Carini ang laban kontra kay Algerian boxer Imane Khelif sa women’s 66kg ycategory.
Ito ay matapos na abandonahin ni Carini ang laban dahil sa hindi na nito kinaya ang lakas ng suntok na pinakawalan ni Khelif na kung saan ay nasaktan ito sa mukha partikular sa ilong.
"I felt a severe pain in my nose, and with the maturity of a boxer, I said ‘enough,’ because I didn’t want to, I didn’t want to, I couldn’t finish the match," ani Carini
Bagaman malungkot at umiiyak, sinabi ni Carini na kaya umano siya nasa Paris ay para lumaban at makakuha ng panalo at medalya na iaalay niya sa kaniyang bansa at sa namayapa niyang Ama.
‘I went to the ring to honour my father. I was told a lot of times that I was a warrior but I preferred to stop for my health,’
Dahil naman sa ginawang pag-abandona sa laban, idineklarang panalo sa laban si Khelif.
Sunod na makakalaban ni Khelif ang Hungarian boxer na si Luca Anna Hamori.
Matatandaang si Khelif ay una nang na-disqualify noong 2023 World Championships dahil sa pagkabigo at di pagtupad sa mga tuntunin ng International Boxing Association na pigilan ang mga atletang may XY chromosomes na lumaban sa ilalim ng women’s event.