Isyu ng gender eligibility, usap-usapan ngayon sa Paris Olympics

Jet Hilario
PHOTO COURTESY: SKY NEWS

Matapos ang mabilisang panalo ni Algerian boxer Imane Khelif kay Italian boxer Angela Carini, nagiging usap-usapan na ngayon sa mundo ng Olympics ang tila kuwestyunableng gender eligibility umano ni Khelif.

Si Imane Khelif ay pinayagang makipagkumpetensya at makalaro sa Paris 2024, ito ay matapos niyang talunin ang Alcinda Panguana (MOZ) sa final ng 2023 African Olympic qualification tournament.

Matatandaang si Khelif ay nadiskuwalipika ilang oras bago ang kanyang gold medal match sa 2023 World Championships sa India, matapos lumabas ang resulta nito na mataas level ng kaniyang testosterone kung kaya nabigo itong matugunan ang mga pamantayan para maging kuwalipikado sa women’s event.

Si Khelif ay umabot din sa quarterfinals ng lightweight (60kg) division sa Tokyo Olympics, kung saan natalo siya kay Kellie Harrington ng Ireland.

Isa ring silver medalist si Khelif  sa light welterweight category (63kg) sa 2022 World Championships, ang unang babaeng Algerian boxer na nanalo ng world championship medal.

Si Khelif ay itinalaga ring maging UNICEF ambassador sa Algeria nito lamang  Enero 2024 upang tumulong sa pagharap sa epidemya ng labis na katabaan sa bansang  Algeria.

Mariin namang kinondena ng Algerian Olympic Committee ang mga ginagawang pagbatikos at paninira sa kanilang atletang si Khelif.

Wala din aniyang basehan ang mga isyung ibinabato kay Khelif.

Samantala, dahil din sa nangyaring ito sa dalawang boksingero hindi naiwasang nagbigay naman ng opinyon ang Prime minister ng Italya na si Giorgia Meloni, sinabi nitong ang mga atletang mayroong male genetic characteristics ay hindi dapat tanggapin sa mga kompetisyon ng kababaihan. Hindi aniya ito fair o patas sa isang paligsahan.

“I think that athletes who have male genetic characteristics should not be admitted to women’s competitions … from my point of view it was not an even contest.” ani Meloni

Jet Hilario
PHOTO COURTESY: TAIWAN NEWS

Hindi lang si Imane Khelif

Samantala, bukod kay Khelif, pinag-uusapan din ang gender eligibility ni Lin Yu-ting ng Taiwan na sasabak sa women's 57kg round of 16 laban kay Sitora Turdibekova ng Uzbekistan.

Si Lin ay kaparehong kategorya ni Nesthy Petecio ng Pilipinas.

Matatandaang tinalo ni Petecio si Lin sa round of 16 noong 2020 Olympics.

Si Lin Yu-ting ng Chinese Taipei ay isang three-time world champion medalist.

Sa huli ay nanalo siya ng ginto sa 2022 Asian Games.

Subalit, nito lamang  2023 World Championships sa Delhi, India, tinanggal kay Lin ang napanalunan niyang bronze medal matapos mabigong matugunan ang mga kinakailangang resulta ng isang biochemical test para maging kuwalipikado ito sa women’s event.

Ito ang unang pagkakataon na ang isang Chinese Taipei na atleta ay kinakailangang kumuha ng biochemical test para sa magmula nang sinimulang gamitin ng  International Boxing Association (IBA) ang mga bagong paraan ng pagsusuri sa gender eligibility test.


Ang paliwanag ng I.B.A.

Sa kabilang dako, ipinaliwanag naman ng International Boxing Association ang nangyaring isyu ng diskuwalipikasyon kina Khelif at Lin -Yu Ting noong 2023.

Ayon sa I.B.A, ang mga atleta aniyang sumasabak sa Olympics ay sumasailalim sa hiwalay na  testosterone test kung saan ang mga detalye ay nananatiling confidential.

Ang mga pagsusuring ito ang hindi natugunan ng dalawang boksingero kung kaya na diskuwalipika ang mga ito sa 2023 World Championships sa Delhi, India

Ang dalawang pagsubok o tests ay unang isinagawa sa noong 2022 sa IBA Women's World Boxing Championships sa Istanbul, Turkey.

Ang pangalawa naman ay noong 2023 World Championships sa New Delhi, India.

Paliwanag pa ng IBA, hindi aniya inapela ni LinYu-Ting ang naging desisyon ng Court of Arbitration for Sports ng IBA kaya naging legal ang kanilang pasya.

Umapela din Khelif sa naging desisyon ng C.A.S pero binawi ang apela noong mga panahong pinoproseso ang magiging desisyon ng IBA. 

Jet Hilario
PHOTO COURTESY: YOUTUBE

Ang paninindigan  ng IOC

Sa isang press conference, suportado ng IOC ang mga boksingero na nasasangkot sa isyu ng gender eligibility.

"Kwalipikado sila ayon sa mga patakaran ng federation, na itinakda noong 2016, at nagtrabaho din para sa Tokyo, upang makipagkumpetensya bilang mga kababaihan, na kung ano sila. At lubos naming sinusuportahan iyon." ani Adams

Nanindigan ang IOC na hindi isyu ng transgender ang pinag-uusapan dito..

Nakkipag-compete sila at patuloy silang nakikipaglaban sa kompetisyon para sa kababaihan.

"And by the way, this isn't, should make this absolutely clear for everyone, this is not a transgender issue. I know you know that but I think there has been some misreporting on this.  dagdag ni Adams

Ang mga atletang nasasangkot ngayon sa isyu ng gender eligibility ay nakikipaglaban na  sa mga kumpetisyon sa loob ng maraming taon.

"Lahat ng lumalaban sa women's category ay sumusunod sa competition eligibility rules.

Babae sila sa kanilang passport at nakasaad na ganoon ang kaso," ani Adams.