Interim World Title hawak na ni Jarred Brooks
Nasungkit ni Jarred Brooks ang ONE Interim Strawweight MMA World Title matapos na pabagsakin si Gustavo Balart sa unang round via submission.
Dahil sa pagkapanalo ni Brooks, nakakita na ito ng pagkakataon para muling sagupain sa ikatlong pagkakataon ang divisional king ng bansa na si Joshua “The Passion” Pacio.
Sinabi ni Brooks na excited na umano ito na muling makaharap at makalaban si Pacio.
Si Pacio ay isang mahusay na kalaban ayon kay Brooks at handa rin umano siyang magtungo sa Pilipinas para harapin ito.
“I’m super excited to go against Joshua Pacio again. He’s a great Christian, a great person, and a great fighter. And if I can go back to his home country – I love Manila, I love the Philippines, all those people are huge fans of mixed martial arts – and be around that fan base, around that energy again, that would mean the world to me.” ani Brooks.
Matatandaang si Brooks ay na-disqualified sa ikalawang bahagi ng kanilang laban matapos na lumabag ito sa UFC fighting rules.
Sa ginawa ni Brooks ay napunta kay Pacio ang panalo at titulong ONE Strawweight MMA World Champion via disqualification decision.
Si Brooks ngayon ay mayroon nang propesyonal na rekord na 21-3.