Imane Khelif nagsalita na: Babae po ako, at mananatiling babae”
Matapos na makapasok sa semifinals, tiniyak ni Algerian boxer Imane Khelif na makukuha nito ang gintong medalya sa Paris Olympics at iaalay umano niya ito para sa kaniyang bansa at mga kababayan.
Ito’y matapos malagay ang Algerian boxer sa sentro ng isyu at batikos na ipinupukol sa kaniya lalo na sa pagiging kwalipikadong manalalaro para sa Olympics.
Bagaman emosyonal, mismong si Khelif na ang nagpatunay sa kaniyang sarili at sa sambayanan na siya ay isang babae at mananatili umano siyang babae at ang mga di magandang nangyayari sa kaniya ngayon ay malalampasan niya.
"Everyone knows that my case is a matter of honor that has affected my dignity. I thank God for this medal and I want to show the entire planet that I am a woman and I will remain a woman and I will overcome all difficulties," ani Khelif
Kamakailan ay inulan ng batikos si Khelif ukol sa gender eligibility issue matapos ang naging laban nito kay Italian boxer Angela Carini na tumagal lamang ng 46 seconds, subalit agad naman itong nilinaw at ipinagtanggol ng I.O.C sa bagay na ito.
Piinasalamatan ni Khelif ang Algerian Sports Committee dahil sa suportang ibinigay sa kaniya kasama ang Algerian community na nasa France ngayon para suportahan siya sa laban hanggang finals.
Sa August 7, makakalaban ni Khelif si Janjaem Suwannapheng ng Thailand para sa semifinals.