Imane Khelif at Lin Yu Ting kapwa pasok na sa finals
Sa papalapit na pagwawakas ng Paris Olympics, maghaharap na sa finals ang Algerian boxer na si Imane Khelif para sa women’s welterweight category nito kung saan makakalaban ni Khelif si Yang Liu ng China.
Matatandaang isa si Khelif sa naging sentro ng kontrobersya matapos ang kabi-kabila at maling akusasyon na myembro umano siya ng LGBTQIA+ community, maging ang ukol sa gender eligibility nito ay kinuwestyun din matapos ang naging laban niya kay Italian boxer na si Angela Carini na kung saan tinapos nito agad ni Carini ang laban sa loob lamang ng 46 seconds.
Pero nilinaw ni Khelif sa publiko na siya ay isang babae.
Kamakailan ay tinalo ni Khelif ang kalabang Thai na si 2023 world silver medallist Janjaem Suwannapheng via unanimous decision sa kanilang women’s 66kg category.
Samantala, magtutuos din sa finals ng women’s featherweight category sina Taiwanese boxer Lin Yu Ting at Julia Atena Szeremeta ng Poland.
Matatandaang si Julia Atena Szeremeta ng Poland ang siyang tumalo kay Pinay boxer Nesthy Petecio.
Bagaman kabilang si Lin sa mga inulan din ng batikos ukol sa isyu ng gender eligibility ay mas pinili pa rin niyang ituloy ang laban sa Paris Olympics kahit diniskwalipika na ng International Boxing Association dahil sa bagsak sa gender eligibility test.
Kapwa handa na ang dalawang boksingero sa kani-kanilang laban na parehong