Hotshots, Batang Pier target ang 3-2 record

Libert Ong (@braveheartkid)
Photo Courtesy: PBA Images

Hangarin ng Magnolia Hotshots at ng NorthPort Batang Pier na makuha ang kanilang ikatlong panalo sa PBA Season 49 Governors’ Cup kapag sila ay nagharap ngayong Miyerkules, September 4, 7:30 p.m. sa Smart-Araneta Coliseum.

Ang mananalo sa laban ay makaka-ungos na makuha ang 3-2 slate habang bababa naman sa 2-3 na kartada ang makakatanggap ng kabiguan.

Makikita na ang resulta ng 1st round robin sa Group A pagkatapos ang laban ng Hotshots at Batang Pier. Kasama nila sa grupo ang TNT Tropang Giga, Meralco Bolts, Converge at Terrafirma.

Pagkatapos nito ay tutungo na sila sa 2nd round ng round-robin sa grupo at ang top four ay aabante sa crossover quarterfinals laban sa top four din ng Group B na ngayon ay pinangungunahan ng Rain or Shine na may 4-0 win-loss record.

Matatandaan na tinalo ng Hotshots ang Dyip noong nakaraang Linggo, Setyembre 1, sa score na 124-103 habang ang Batang Pier naman ay nabigo sa kamay ng Bolts, 99-109, kaya’t mayroon silang 2-2 na record para pagsaluhan ang fifth place sa kasama ang Converge sa Group B, na pinangungunahan ng TNT (3-1) at Meralco (3-1).

Aasa muli ang Magnolia at NorthPort sa kanilang mga locals na nag-ko-compliment sa laro ng kanilang mga imports.

Para sa Magnolia, si Jerrick Ahanmisi ang namuno sa kanilang huling panalo kung saan nagtala ito ng career-high 24 points kasama ang apat na four-pointers at dalawang triples.

Samantalang si Arvin Tolentino naman ang kumamada para sa NorthPort ng magtala ng career-high 51 points upang pamunuan ang Bolts sa kanilang huling panalo.

Patuloy na sasandal ang Hotshots kay Glenn Robinson III na consistent sa kanyang unang apat na laro bilang reinforcement sa PBA, at ang NorthPort naman ay kay balik-import Venky Jois na inaasahang mas marami pang mai-a-ambag para sa kanyang koponan.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
11
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more