Hospital bills ni Catantan, sinagot na ng St. Lukes

Jet Hilario
Photo courtesy: POC

Wala nang aalalahanin sa gastusin sa ospital si Pinay fencer Samantha Catantan. 

Ito ay matapos na i-waive ng St. Luke’s Global City ang kanyang mga bayarin maging ang doctor’s fee sa pagpapaopera ng kaniyang tuhod sa naturang ospital. 

Ayon kay Dr. Jose Raul Canlas, ito ay bilang pagkilala ng ospital sa naging ambag ni Sam sa larangan ng sports, at ang kanyang pagiging Olympian. 

“I did the major surgery on Sam’s knees and when the administration of St. Luke’s found out that she’s an Olympian, all her hospital bills were waived,” ani Dr. Canlas

Samantala, pinasalamatan naman ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang pamunuan ng St. Luke’s sa tulong na ipinagkaloob nila hindi lamang kay Catantan kundi sa marangal na kontribusyon ng ospital sa Philippine sports. 

Pinasalamatan din ni Catantan ang pamunuan ng St. Luke’s Global City sa pag-waive ng kanyang mga hospital expense sa naturang ospital. 

Matatandaang si Catantan ang kauna-unahang Filipina fencer na nag-qualify sa Olympics na bagaman hindi man nagkapalad na makapag-uwi ng medalya, natamo naman nito ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.