Hergie Bacyadan, plano nang sumabak sa Professional Boxing
Balak nang pumasok ni Olympic boxer Hergie Bacyadan sa pro boxing matapos ang kanyang makasaysayang performance sa 2024 Paris Olympics.
Ani Bacyadan, pinag-aaralan nya ang sitwasyon at bukas ito sa anumang pagkakataong ibibigay sa kaniya.
“I'm planning to turn pro but we'll see. Tinitingnan ko rin ang mga sitwasyon na pabor sa akin. Kahit anong pagkakataon ang ibigay sa akin, kung saan man ako magiging komportable at masaya, doon ako,” ani Bacyadan.
Samantala, handa rin umano si Bacyadan na muling sumabak sa 2028 LA Olympics sakaling maging kwalipikado at pagkatiwalaan siyang muli na sumali.
"Bakit hindi? Sinabi ko sa mga coaches at officials ko na kung may tiwala pa sila sa akin, why not [try again for LA]?” Mahirap magsabi agad. I'm turning 30 this November pero nagkaroon ako ng experience. Ang pagpunta sa Olympic ay mahirap gaya ng dati, ang paglalaro muli ay isa pang pag-uusap." dagdag pa ni Bacyadan
Matatandaang nabigo si Bacyadan na makausad sa quarterfinals kung saan natalo ito ng kalabang Chinese boxer na si Li Qian sa pamamagitan ng unanimous decision sa Paris Olympics.