Grand Slam winner Novak Djokovic nasungkit ang Olympic gold

Jet Hilario
Photo Courtesy: Reuters

Nakumpleto na ni Novak Djokovic ang kaniyang buhay bilang tennis star matapos na masungkit naman nito ang gold medal sa Paris Olympics.

Tinalo ni Djokovic si Carlos Alcaraz ng Spain sa isang napakagandang Olympic men's singles final match kung saan nakuha nito ang score na 7-6(3) 7-6(2). 

Itinuturing namang biggest sporting success ni Djokovic sa buong karera niya bilang tennis star player dahil ito ang kauna-unahang gintong medalya ni Djokovic sa Olympics.. 

“When I take everything into consideration, this probably is the biggest sporting success I ever had in my career,” ani Djokovic.

Naging emosyonal si Djokovic sa awarding ceremony kung saan hawak niya ang watawat ng Serbia. 

Ilan sa mga award na napanalunan ni Djokovic ay ang pagiging 10 times Australian Open champion, three times French Open, seven times Wimbledon, four times US Open, seven times ATP Finals, eight-time year-end number 1, two-time Career Golden Masters, one-time Davis Cup, 428 weeks na nanatili sa numero 1 at isang Olympic Gold medalists.