Gintong medalya nasungkit ng pinakabatang atleta sa Paris Olympics

Jet Hilario
Photo Courtesy: Getty Images/Alex Pantling

Nasungkit ng pinakabatang atleta ang gintong medalya sa laban nito ng women’s skateboarding sa Paris Olympics. 

Sa edad na 14, si Arisa Trew ang itinuturing ngayon na pinakabatang atleta sa Australia na nakakuha ng gintong medalya sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Si Trew ang naka-break ng record ngayon sa 68 na taon ng Australia nang magkaroon ito ng pinakabatang atleta. 

Taong 1956 Melbourne Olympics nang unang magkaroon ng pinakabatang atleta ang Australia sa katauhan ni Sandra Morgan na lumaban noon at nanalo ng gold medal sa larong women’s 4x100m freestyle relay. 

Si Morgan noong mga panahong iyon ay 14 years and 184 days old.