Ginebra Kings wagi vs. SMB; 108-102

Jet Hilario
photo courtesy: PBA

Nakuha ng Ginebra Kings ang kanilang unang panalo laban sa San Miguel Beermen sa score na 108-102.

Bagaman, naagaw pa ng Beermen ang kalamangan, sa score na 79-74, sa pagtatapos ng ikatlong quarter na pinangunahan nina Jeron Teng at Terrence Romeo ang SMB.

Subalit walang pumigil kay Brownlee at sa Kings na baguhin ang kanilang istilo ng paglalaro at panahon ito para pagbayaran ng SMB ang naging pagkatalo ng Gins.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang laro kung saan nagtala ito ng 51 points, 13 rebounds, anim na steals, at five assists habang sina Japeth Aguilar ay nakapagtala ng 21 points at si RJ Abarrientos naman ay mayroong naiambag na 13 points. 

Ito na rin sa ngayon ang bagong career high points na naitala ni Brownlee sa PBA. 

Matatandaang si Brownlee rin mismo ang nanguna sa 34-23 fourth-quarter na pagsalakay ng Ginebra na tinapos ng win-sealing lay up ng champion import nang makabangon ang King's mula sa 67-73 pagkatalo sa Rain or Shine Elasto Painters sa isang road game sa Candon, Ilocos Sur noong nakaraang Sabado.

Samantala, ikinatuwa naman ni Ginebra Kings head coach Tim Cone ang naging performance ni Brownlee kung saan nagawa nito ang kung ano ang nararapat para sa koponan. 

Nagtala ng career-high na 51 points si Justin Brownlee para tuluyang talunin ng Barangay Ginebra ang San Miguel Beermen 108-102.

Dahil dito ay mayroon ng isang panalo at isang talo ang Gins sa Group B habang ang Beermen ay mayroong isang talo at dalawang panalo.

Sa ngayon, umabante ang Beermen sa ikatlong pwesto kung saan nagpaputok si Teng ng 12 at nagdagdag si Romeo ng pito at ang buong koponan ng SMB ay tumama sa mataas na 66-percent field clip laban sa 47.4 percent ng Ginebra.

Ang mga Scores:

GINEBRA 108 - Brownlee 51, J.Aguilar 21, Abarrientos 13, Thompson 7, Holt 5, Ahanmisi 4, Go 4, Tenorio 3, Cu 0, Adamos 0 , Garcia 0.

SAN MIGUEL 102 - Adams 23, Fajardo 17, Perez 14, Romeo 13, Teng 12, Ross 5, Rosales 4, Trollano 4, Cruz 4, Manuel 4, Tautuaa 2, Lassiter 0.

QUARTERS: , (1) 24-24 , (2) 46-46, (3)74-79, (4)108-102

 

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more