Gilas Pilipnas U18, handa na para 2024 FIBA U18 Asia Cup

Jet Hilario
photo courtesy: Malaysia Basketball Asso.

Handa na ang Gilas Pilipinas boys para sa kampanya nito sa 2024 FIBA U18 Asia Cup simula sa Lunes sa Amman, Jordan matapos ilabas ang full roster nito at groupings.

Pinangungunahan ni ace guard Andy Gemao ang Gilas Pilipinas sa susunod na buwan para makapasok ang koponan sa 2025 FIBA U19 World Cup sa Switzerland.

Matatandaang una na itong nagawa ng Gilas U16 noong nakaraang taon nang magtapos sa Final Four ng FIBA 16 Asia Cup  upang makapasok sa FIBA U17 World Cup na ginanap sa Turkey.

At determinado din ang mga manlalaro ni coach Josh Reyes upang makapasok sa FIBA Asia.

Umiskor ng 27.3-point winning margin average ang Gilas matapos kaldagin ang Indonesia, 87-64, host Malaysia, 97-71, at Thailand, 87-54.

Pero ibang laban ang FIBA Asia lalo’t bigatin ang mga katunggali ang makakatapat ng world No. 25 na Gilas sa Group D, tampok ang No. 27 na New Zealand, No. 51 na Jordan at No. 73 na Indonesia ulit.

Unang makakasagupa ng Gilas ang Indonesia sa Lunes, Jordan at New Zea­land sa Martes at Miyerkules, ayon sa pagkaka­sunod.

Kailangang maging No. 1 team ang Gilas sa group phase upang makasikwat agad ng awtomatikong tiket sa quarterfinals dahil ang No. 2 at No. 3 teams ang kailangan pang dumaan sa qualification. Sibak naman kaagad ang kulelat na koponan.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
11
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more