Gilas Pilipinas Womens muling nabigo vs. Hungary
Nabigo ang Gilas Pilipinas Women na buuin ang kanilang underdog tale sa FIBA Women’s World Cup 2026 Pre-Qualifying Tournament matapos na talunin ito ng Hungary sa score na 97-60 sa Rwanda nitong Martes, Agosto 20.
Dahil dito, wala pang nakukuhang panalo ang Gilas Pilipinas Womens sa FIBA Basketball World Cup Pre-Qualifying Tournament.
Naungusan ng Hungary ang Gilas Womens sa second quarter, 28-10, para magtala ng 51-24 score sa halftime.
Umabot pa ang lamang ng Hungary sa 39 puntos at solidong nakuha ang kanilang 1-1 record sa standings habang bagsak naman ang Pilipinas sa 0-2 record.
Matapos ang kahanga-hangang 18-point, 21-rebound double-double performance laban sa world No. 8 Brazil, ang top anchor na si Jack Animam ay nalimitahan sa anim na puntos, isang rebound, at limang turnovers sa loob ng 23 minuto ang kanyang naitala.
Si Afril Bernardino naman ay humakot ng 11 puntos, anim na rebounds, at apat na steals, habang si Ella Fajardo ay may 10 markers. Nagdagdag si Kacey Dela Rosa ng siyam na puntos, limang rebounds, at tatlong steals para sa Gilas Women.
Samantala, pinamunuan ni Angela Torok ang Team Hungary na nagtapos ng game-high 25 points sa isang 10-of-11 clip shooting, apat na assists, at tatlong boards, habang ang kapwa wingers na sina Debora Dubei at Reka Lelik ay umiskor ng tig-13.
Pagkatapos ng isang araw na pahinga, titiyakin ng Gilas Women na panatilihing buhay ang manipis nitong pag-asa na makasulong sa semi finals sa kanilang laban kontra Senegal sa Huwebes, Agosto 22.