Gilas Pilipinas Women, nakalasap ng pagkatalo vs. Brazil

Jet Hilario
Photo courtesy: FIBA

Bigong makasungkit ng panalo ang Gilas Pilipinas Women matapos matalo sa FIBA ​​Women’s Basketball World Cup 2026 Pre-Qualifying Tournament sa Rwanda laban sa Brazil, sa score na 77-74, nitong Lunes, Agosto 19.

Pinangunahan ni Jack Animam ang Gilas na pagbuslo ng 18 puntos at paghakot ng 21 rebounds sa ibabaw ng apat na blocks, isang assist, at isang steal. 

Naging mahalaga sa Gilas Women ang puntos na ginawa ni Panganiban sa fourth quarter ng laro matapos maipasok ang kanyang three point shot sa natitirang 5:09 ng laro, kung kaya’t nakabawi ng kaunti ang Pilipinas sa score na  69-68.

Sina Khate Castillo at Stefanie Berberabe ay nakapagtala ng tig-9 na puntos sa nip-and-tuck game na nagtampok ng siyam na pagbabago sa lead.

Samantala, pinangunahan naman ni Leticia Soares ang Brazil na may 15 puntos at limang rebounds, habang sina Emmanuely De Oliveira at Maria Albiero ay nagtala ng 13 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.

Susunod namang makakalaban ng Gilas Women ang world No. 16 Hungary ngayong Martes. 

Kailangan ng Pilipinas ng top-two finish sa grupo para makapasok sa semifinals.