Gilas Pilipinas nasa ika-34 na pwesto na sa FIBA World Ranking
Umangat ang Gilas Pilipinas sa ika-34 na pwesto sa FIBA World Ranking.
Inilabas ng FIBA ang ranking pagkatapos ng Paris Olympics. Naging susi sa pag-akyat ng Pilipinas sa FIBA ranking ay nang talunin ng bansa ang world no. 6 na Latvia noong FIBA Olympic Qualifying Tournament, umabot ang Gilas hanggang sa semifinals.
Bago ito, ang Pilipinas ay natalo ng Brazil, ngunit nagpatuloy pa rin sa para mag-qualify sa Olympics hanggang sa umabot sa quarterfinals.
Samantala, nananatili naman sa No. 1 ang USA sa ranking matapos na manalo ng gintong medalya sa Paris Olympics kontra host country na France. Nasa ikalawang pwesto naman ang Serbia na nakasungkit ng bronze medal sa Paris Olympics na sinundan ng Germany at France na umangat sa ika-limang pwesto matapos na makakuha ng silver medal sa Paris Olympics.
Ang Gilas Pilipinas ay nasa pampitong pwesto bilang best country sa Asya na sinundan ng Australia, Japan, New Zealand, Iran, Lebanon, at China.