Gawilan, usad na sa final round pra sa men's 400m freestyle S7

Jet Hilario
photo courtesy: Manila Standard

Abanse na sa final round ang Filipino Para swimmer na si Ernie Gawilan matapos makuha nito ang  ikatlong pwesto  sa Paris Paralympics men's 400m freestyle S7 heats sa Paris La Defense Arena Lunes. 

Nanguna si Gawilan sa heat 2 at naiposte ang ikatlong best time na 5:00.13 sa 2-heat, 9-swimmer field, kung saan nakapasok ang top eight sa medal round set ganap na 11:30 ng gabi.

Bagaman may kapansanan ay hindi ito naging hadlang kay Gawilan para matupad ang kanyang pangarap na makasali sa mga Olympic Game. 

Binuksan ni Gawilan ang kanyang kampanya sa Paris nitong nakaraang Sabado sa 200m individual medley SM7 heats.

Matatandaang ang four-time Asian Para Games champ ay nakakuha ng oras na 2:56.39 para tumapos sa ika-11 at huling sa heats kung saan ang top eight lamang ang umabante sa medal round.