Game 3 win ng quarter finals nasungkit ng Elasto Painters via OT vs. Magnolia

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Nalampasan ng Rain or Shine Elasto Painters ang overtime game sa Game 3 ng quarter finals kontra Magnolia Hotshots sa Ynares Center, Antipolo City 111-109. 

Ang parehong free throws na naibuslo nina Jhonard Clarito at Gian Mamuyac ang nagdala sa Elasto Painters ng panalo at makuha ang 2-1 lead sa serye. Dahil dito, isang panalo na lang ang kailangan ng Rain or Shine para makapasok sa semis. 

Ayon kay coach Yeng Guiao, natuwa sila na nakuha nila ang panalo sa Game 3 laban sa mga beteranong manlalaro ng Hotshots. 

“Natuwa rin ako na we were able to hold our emotions, we were able to play through the end game. Beteranong beterano na itong Magnolia. They’ve been through a lot of battles like this. Talunin mo ang Magnolia sa isang dikdikang laban sa end game, ibig sabihin, medyo matibay ka na rin pang-ending.” ayon kay Guiao. 

Samantala, matapos ma-injury si Aaron Fuller noong Game 2 ay nakapaglaro na ulit ito. Bagaman hindi pa ito totally 100 percent na magaling, hinangaan naman ni Guiao ang ipinamalas nitong dedikasyon sa koponan at ang determinasyong manalo sa Game 3  kung saan nakapagtala siya ng 29 points at 11 rebounds.

"Aaron just provided us with a lot of inspiration and energy. They (players) know what he went through. He was doubtful all the way up to the afternoon but he told our trainers he was feeling better and he wanted to play.  Warrior talaga itong si Aaron. Tahimik lang siya but he plays with a big heart. He's able to control his emotions and carry our team on his shoulder. Hindi naman kami makakarating dito at mananalo sa larong ito kung hindi siya naglaro talaga," papuri ni Guiao. 

Nanguna naman sa panalo ng Elasto Painters sina Jhonard Clarito na may 18 points at eight rebounds habang sina Gian Mamuyac at Andrei Caracut ay may tig 15 points. 

The scores:

Rain or Shine 111 – Fuller 29, Clarito 18, Mamuyac 15, Caracut 15, Santillan 13, Belga 10, Nocum 6, Norwood 5, Tiongson 0, Lemetti 0.

Magnolia 106 – Bird 31, Lucero 24, Dionisio 12, Sangalang 9, Ahanmisi 9, Abueva 8, Barroca 6, Lee 6, Mendoza 1, Dela Rosa 0, Reavis 0.

Quarters: 29-18; 50-38; 73-66; 98-98; 111-106.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
8
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
7
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more