France naungusan ng panalo ang Japan via OT
Nakuha ng France Basketball Team ang panalo laban sa Japan sa iskor na 94-90 sa men’s Group B Olympics basketball.
Kapwa mahigpit ang depensa ng dalawa at dikit ang kanilang laban lalo na sa pagtatapos ng ika-apat na quarter ng laro kung saan himalang nakai-score ng puntos si French point guard Matthew Strazel dahilan para maging tabla ang kanilang iskor na 84-84.
Bagaman naka-iskor si Matthew ay tinawagan naman ng foul ng referee ang Japanese player na si Yuki Kawamura.
Naging usap-usapan tuloy ngayon ng mga manlalaro ang ginawang pagtawag ng foul ng referee kay Kawamura.
Sa isang panayam kay Japanese Basketball Team coach Tom Hovasse, sinabi nitong hindi na aniya dapat tinawagan ng foul si Kawamura.
"It didn't look like a foul, but his back was to me so I didn't see if there was contact,"
Sinabi rin ni Kawamura na wala umanong foul na nangyari, mahirap ang ginawang pagbuslo ni Strazel pero nagawa pa rin umano niya na maka-iskor.
“I think no foul. But Strazel is a good shooter. That was a tough shot and he made it.”
Samantala, sunod na makakaharap ng France ang Germany sa August 3 habang ang Japan naman ay makakaharap ang Brazil sa August 2.
Kapag natapos na ang group phase, ang top 8 teams mula sa combined rank.