Four point shot hindi dumaan sa konsultasyon - Coach Guiao

Rico Lucero
Photo: PBA Images

Hindi umano dumaan sa konsultasyon ang kontrobersyal na four point shot na ipapatupad ng PBA sa pagbubukas ng Governor’s Cup sa susunod na buwan. 

Ito ay matapos na ma-aprubahan at plano nang ipatupad umaani naman  ito ngayon ng samu’t saring komento partikular na sa mga coaches ng PBA. 

Sa isang pahayag, naglabas ng saloobin si  Rain or Shine Coach Yeng Guiao, at  sinabi nitong ang ginawang pag adopt ng PBA sa four point shot ay hindi aniya ikinonsulta sa kanila maging sa Competition committee na siyang consultative body ng PBA ay na bypass din.. 

Nagulat na lang umano ang mga coach ng PBA na inaprubahan na at inilabas na ng media ang report ukol dito. 

Idinagdag pa ni Guiao na sana daw ay sinubukan muna nila ang four point shot sa isang All-Star Game," o kya sa “D- League” at kung mag work out ay saka dalhin sa PBA.

Sinabi pa ni Guiao na hindi dapat unahan ng PBA sa implementasyon ng four point shot dahil  kahit aniya ang NBA na marami na ang mga pag-aaral at marami din ang mahuhusay at  marurunong pero hindi aniya ini adopt ang four point shot. 

"Eh yung NBA nga, ang galing ng nagpapatakbo d'yan . Ang daming magagaling na officials and madaming studies. Sinubukan na nila 'yan sa All-Star Game nila and yet, di pa rin inadopt sa actual game. Tapos ikaw uunahan mo pa."