PBA: Ikalawang sunod na panalo nasungkit ng Tropang Giga
3
Bigo ang Men’s Football Team ng bansa na makakuha ng panalo laban sa host country na Malaysia sa pagsisimula ng Merdeka Cup sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang score, 2-1.
Ito ang unang laro ng Men’s Football team ng bansa sa ilalim ng bagong coach nito na si Norman Fegidero.
Nakapag-ambag ng goal si Jefferson Tabinas sa ika 27 minutong laban, habang ang kasamahan nitong si Sandro Reyes ay nabigyan ng penalty ng referee sa pamamagitan ng yellow card dahil sa pagrereklamo dahil sa hindi pagbibigay ng penalty kick.
Samantala, makakasagupa naman ng Pilipinas ang Tajikistan para sa ikatlong pwesto sa darating na Linggo, kung saan natalo naman ang Tajikistan kontra Lebanon sa score na 1-0.