Football: Coach ng PH Men’s Football Team nadismaya sa pagkatalo ng kanilang koponan
"I am very proud of my players. We put a very good fight until the last whistle, he said after the match. [But there are] other things that we can't control. [We're] supposed to have two penalties in this game. What can I do? he shrugged. It's the referees' call. I'm very disappointed in what happened. But I'm proud of my players. They played a very good game." ani coach Fegidero.
Nakaramdam ng pagkadismaya ang Men’s Football team coach na si Norman Fegidero dahil sa naranasang pagkatalo ng kanilang koponan kontra Malaysia.
Ito ay dahil sa dapat umano ay nagkaroon ng dalawang penalty sa larong ito subalit dahil aniya sa hindi nila kontrolado ang mga pangyayari ay wala sila magagawa.
Kahit nakalasap ng pagkatalo sa kamay ng host country na Malaysia, proud pa rin si coach Norman sa naging performance ng kanyang mga manlalaro.
Magugunitang sa pagbubukas ng Merdeka Cup ay nakuha agad ng Malaysia ang panalo, 2-1 kung saan nagawa ng maayos ang laro ng host country maging ang mga madadaling shot goal sa pamamagitan ng penalty shot at sa kalagitnaan ng laban ay nagkakainitan na sa oras na ika 77 minuto ng laro.
Sa darating na Linggo, makakaharap ng PH Men’s Football team ang Tajikistan para sa ikatlong pwesto.
Matatandaang una nang natalo ang Tajikistan kontra Lebanon sa score na 1-0.