Filipino woodpusher, sinindak ang kalabang Slovenia sa Chess Olympiad

Keanna Wren
PHOTO COURTESY: INQUIRER

Nakamtam ni Grandmaster Julio Catalino Sadorra ang posibleng pinakamalaking tagumpay na kanyang nakamit matapos ipamalas ang 53-move shocker laban kay super Grandmaster Vladimir Fedoseev sa 45th FIDE Chess Olympiad na ginanap sa BOK Sports Hall sa Budapest, Hungary.

Ipinakita ni Sadorra ang kanyang tiyaga nang lumaban siyang makaalis mula sa cornered position at nagkaroon ng pagkakataong umatake kay Fedoseev na nagbigay daan sa kanya upang makamit ang 53-move win ng Queen’s Gambit Declined at iangat ang bansa, na kasalukuyang ika-51st sa 197, sa nakamamanghang panalo laban sa 26th-seeded na Slovenia.

Ang pagkapanalong ito ang nagpa-angat ang ranking ng Pilipinas sa 7th place kasama ang 22 bansa na mayroong tig-walong match points. 

Susunod na makakaharap ng Team Philippines ang 17th ranked na Armenia, na mayroong apat na super GMs sa kanilang koponan, sa sixth round ng torneo.

Sa kabilang banda naman ay natalo ang women’s team ng bansa kontra Italy. Natapos ang magandang record ni Woman International Master Shania Mae Mendoza sa board one pagkatapos siyang matalo ni International Master Marina Brunello gamit ang 38 moves.

Ang mga laban naman nina Janelle Mae Frayna, Ja Jodilyn Fronda, at Ruelle Canino ay nauwi sa mga draw. 

Nakapagkamit ang women’s team ng ranking na 37 kasama ang ibang koponan na mayroong six match points each. Susunod na makakalaban nila ang 76th-seeded na Bolivia sa sixth round.