Exhibition fight sa pagitan ni Pacquiao at Anpo, nauwi sa draw.

Rico Lucero
PHOTO COURTESY: MANNY PACQUIAO

Nauwi sa draw ang 3 rounds exhibition fight nina pambansang kamao Manny “Pacman” Pacquiao at ni Japanese kickboxer na si Rukiya Anpo.

Sa pagsisimula ng laban, sandaling pinag-aralan at pinakikiramdaman ni Pacman ang istilo ng pakikipaglaban ni Anpo subalit  bahagyang nahirapan si Pacman na madomina ito sa unang round.

Sa ikalawang round ay nagpalitan na ng suntok sina Pacquiao at Anpo at bago matapos ang 2nd round ay tinamaan ni Pacquiao si Anpo sa panga.

Sa ikatlong round ay mas naging matindi ang palitan ng suntok ng dalawa kung saan ay muntik pang matumba si Pacquiao.

Bago ang kanilang laban ay una nang binalaan si Anpo na papatawan ito ng 5 million US dollar kung gagamit siya ng non-boxing moves.

Samantala, ibinahagi naman ni Pacquiao sa kaniyang sa Facebook page nito ang kaniyang  pasasalamat sa Rizin at kay Rukiya Anpo at sa mga mamamayan ng Japan na nanood ng kanilang laban.

Pinasalamatan din ni Pacquiao ang kaniyang mga kapwa Pilipino, ang kaniyang  team, maging ang kaniyang pamilya na walang sawang sumusuporta sa kaniya.