Exhibition fight ni Pacquiao kay Anpo “good tune up” para sa pagbabalik nito sa Ring

Rico Lucero
PHOTO COURTESY: EPLUS JP

Itinuturing ni Pambansang kamao Manny “Pacman” Pacquiao na good tune up para sa kaniyang pagbabalik sa lona ang katatapos na exhibition fight niya laban kay Rukiya Anpo.

Sinabi ni Pacquiao na marami pa siyang dapat na i-develop at  isaalang-alang sa laban lalo na at matagal tagal na rin aniya siyang hindi lumalaban.

Sinabi rin ng coach ni Pacquiao na si Buboy Fernandez, mabilis, matangkad  at malakas din si Anpo kahit pa walang boxing experience ito.

Sinubukan din ni Anpo na i-knock out si Pacquiao subalit hindi niya ito nagawa dahil sa liksi ng kilos nito.

Inspirado  din si Anpo sa kanilang naging laban at  isang karangalan umano sa kaniya na  makaharap ang tinaguriang boxing legend ng Pilipinas.

Pinaplano ni Pacquiao na labanan si WBC welterweight champion Mario Barrios sa October o November ng taong ito.