ESPORTS: Smart Omega Empress, nagkampeon sa MWI 2024
Tila kinoronahan na ng Mobile Legends: Bang Bang ang bago nitong mga reyna ng MLBB matapos patalsikin ng Smart Omega Empress (OMGE) ang mga dating hari, Team Vitality (VIT), upang makuha ang MLBB Women's Invitational (MWI) 2024 at magtala ng kasaysayan bilang unang koponang Pilipino na nagwagi sa isang torneo sa Esports World Cup.
Ang all-Filipino team ay nagpakita ng malinis na sweep laban sa kanilang Indonesian rivals sa Best-Of-Five (BO5) Grand Finals, tinapos ang kanilang 24 na sunod na panalo na nagsimula noong 2021.
Sinabi ni OMGE Roamer, Meraaay sa post-match press conference: “We want to give honor to our country. I hope we made our kababayans (countrymen) proud, including those who went to the venue to support us. It feels like a dream for all of us. We would like to take our hats off to Team Vitality who gave us a good fight. We can already call ourselves world champions."
"To all aspiring female MLBB players out there, continue what you're doing, especially if it is something that you love. We started from scratch, always almost losing every time, but we continued playing because we felt like this is something we love."
Kasama ng korona, ang Empresses ay mag-uuwi ng US$180,000 mula sa US$500,000 prize pool, ang pinakamalaking premyo sa women's MLBB esports. Si Sheen "Shinoa" Perez ay idineklarang Finals Most Valuable Player (FMVP), na mag-uuwi ng US$50,000.
Ang Smart Omega Empress ay binubuo nina Gold Laner Sheen "Shinoa" Perez, Jungler Kaye "Keishi" Alpuerto, Mid Laner Rica "Amoree" Amores, EXP Laner Gwyneth "Ayanami" Diagon, at Roamer Mery Christine "Meraaay" Vivero. Ang team ay pinamumunuan ni Coach Salman "KingSalman" Macarambon.
Ang MWI ay ang pinakamalaking MLBB esports tournament para sa mga babaeng atleta at naglalayong magbigay ng plataporma para sa mga babaeng manlalaro upang ituloy ang kanilang mga pangarap sa esports. Ang MWI 2024 ay ginanap sa Amazon Arena sa Riyadh, Saudi Arabia, na nagmarka ng unang pagkakataon na ang torneo ay ginanap sa labas ng Southeast Asia, bilang bahagi ng unang Esports World Cup. Ang torneo ay nagdala ng 12 internasyonal na koponan mula sa iba't ibang panig ng mundo.
Ang ikatlong edisyon ng MWI ay bumasag sa dating viewership record ng torneo. Ang MWI 2024 Grand Finals ay nakamit ang 265,117 Peak Concurrent Viewers (PCV), ayon sa Esports Charts. Ang nakaraang benchmark na 179,024 PCV ay naitala sa MWI 2023, ayon sa Esports Charts.
Ang head ng esports ecosystem ng MOONTON Games na si Ray Ng ay nagbigay komento tungkol sa kaganapan, sinasabing, "ang kompetitibong women's esports scene ay gumawa ng malaking hakbang pasulong sa MWI 2024. Naniniwala kami na ang esports ay para sa lahat, kaya't natutuwa kaming naibigay ang entablado at #TimeToShine sa pinakamahusay na mga babaeng atleta sa buong mundo. Nais din naming pasalamatan ang lahat ng aming mga tagahanga na nagbigay ng buong suporta sa Amazon Arena."
Inaasahang babalik ang mga kababaihan sa Pilipinas sa Hulyo 30.