Elreen Ando, bigong makapag-uwi medalya sa Paris Olympics

Jet Hilario
Photo Courtesy: Cignal TV/Paris 2024 IOC (One Sports)

Hindi man makapag-uwi ng medalya, subalit para kay Erleen Ando ay ibinuhos na niya ang kanyang buong lakas at ipinakita sa mundo ang lahat ng kanyang makakaya sa larangan ng weightlifting. 

Nakapagtala si Ando ng bago at sarili niyang record sa Paris Olympics. 

Nakuha ni Elreen ang kabuuang 230kgs. 100kg. Nito ay mula sa snatch at 130kgs ay mula naman sa clean and jerk na na bagong personal record. 

Bago nakuha ni Ando ang tagumpay para mabuhat ang 100kgs ay naka dalawang attempt pa siya sa snatch subalit sa 102kgs na siyang ikatlong attempt ay nabigo na siya. 

Dahil dito ay nagtapos lang si Ando sa pang-anim na pwesto sa women’s weightlifting 59kg event. 

Bagaman natalo, si Ando naman ang may pinakamataas na ranking na weightlifter noong makaharap niya si Hidilyn Diaz sa IWF World Cup nito lamang Abril. 

Matatandang si Ando ay nasa pampitong pwesto sa women’s 64 kg weightlifting event sa 2020 Tokyo Olympics.