EJ Obiena sasabak sa Wanda Diamond League Lausanne
Ipinagpapatuloy ngayon ni Ernest John "EJ" Obiena ang kanyang kampanya para sa outdoor season sa Wanda Diamond League Lausanne leg sa Switzerland.
Ang world No. 3 pole vaulter mula sa Pilipinas ay makikipagkumpitensya sa 11-man field na kinabibilangan ng back-to-back Olympic champ at world No. 1 Armand "Mondo" Duplantis, na nagtayo ng bagong Olympic at world record na 6.25-meter clearance sa Paris.
Ang World No. 2 at Silver medalist na si Sam Kendricks ng United States at ang bronze winner na si Emmanouil Karalis ng Greece, na tinalo si Obiena.
Tiwala naman si Obiena na sa pagsali niya sa Switzerland ay makakapag-uwi siya ng medalya at karangalan sa bansa.
"I finished 4th in Paris, close but not good enough. I am not measured by this. I am measured by my career. I commit to everyone now, I am back in training, I am back in the game, and I am going to attack the rest of the season and make you proud. You are going to see more from me, and see the Philippine Flag raised and raised on a global stage." ani Obiena
Matatandaang si Obiena ay tatlong beses na nag kampeon sa Southeast Asian Games at isang beses na Asian Games titleist bukod pa sa pagiging two-time Asian Athletics Championships gold at sumabak din sa katatapos na Paris Olympics.
Hindi man pinalad na makapag-uwi ng medalya mula sa Paris Olympics subalit umangat naman ang ranking nito sa world pole vaulter na mula 11th place at ngayon nasa 4th place na ito.