EJ Obiena nangakong muling babalik sa Olympics (Laro Pilipinas)

Jet Hilario
Photo Courtesy: AP Photo/David Goldman (Inquirer)

Nangako si Pinoy Pole vaulter EJ Obiena sa kaniyang mga taga-suporta na bagaman natumba siya ngayon ay babalik pa rin siya sa pakikipaglaban para sa bayan sa Olympics.

“Natumba ako, Pero babalik ako.” 

Aminado si Obiena na kulang pa din ang kaniyang naging performance sa laban niya nitong nakaraan kung kaya hindi siya nakapasok sa finals. 

Pinasalamatan pa rin ni Obiena ang lahat ng mga naniwala at sumuporta sa kaniya hanggang sa huli.

Kahit masakit sa kaniyang kalooban dahil mahabang panahon din umano ang uniukol niyang paghahanda para rito ay napunta pa rin siya sa 4th place at buong puso pa rin itong humingi ng paumanhin sa nangyari. 

Una na ring sinabi ni Obiena na nagkaroon siya ng pagkukulang pagdating sa consistency kaya siya natalo. 

Pakay sana ni Obiena na makasungkit ng gintong medalya subalit dahil sa nangyari ay ibinigay kay Karalis ang bronze medal  via countback.

Si Obiena ay nasa ikaapat na pwesto matapos mabigong makuha ang 5.95 meter jump sa kanyang final attempt.