EJ Obiena, nakuha ang 3rd place sa Leg of the Diamond League

Jet Hilario
photo courtesy: abscbnnewsonline

Nagtapos sa pangatlong pwesto si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Lausanne Leg of the Diamond League sa Switzerland.

Nakuha ni Obiena ang 5.82 metro sa kaniyang first attempt kung saan katabla niya sa ikatlong puwesto sina Sondre Guttormsen ng Norway at Kurtis Marschall ng Australia.

Bagaman, sinubukan ng Pinoy pole vaulter na maabot ang 5.92 meters subalit ito ay nabigo sa kanyang tatlong attempt.

Ang reigning Olympic champion at world No. 1 na si Armand Duplantis ng Sweden ang nanguna sa event na nakakuha ng  6.15 meters na sinundan ng Paris silver medalist na si Sam Kendrick ng United States na may 5.92 meters clearance. 

Ito ang unang kompetisyon ni Obiena  matapos ang kanyang kampanya sa Paris Olympics kung saan nagtapos siya ng pang-apat na pwesto nang maitala niya ang 5.90 metro, ngunit natalo din siya kay Emmanouil Karalis ng Greece dahil sa tiebreaker.

Samantala, inaasahang sasabak din si Obiena sa Silesia leg ng Diamond League sa Agosto 25.