EASL: Akil Mitchell ng Meralco magpapakitang gilas kontra Ryukyu

Pagkatapos ng kanyang debut game sa East Asia Super League at makuha ang panalo noong Nobyembre 13 laban sa Busan KCC Egis, 81-80, ang midseason addition ng Meralco, na si Akil Mitchell, ay tahimik na nagpakita ng kanyang mga pinaka kahanga-hangang EASL campaign sa kasaysayan.
Mamayang gabi, Enero 22, may pinakamahirap na pagsubok na kakaharapin si Mitchell laban sa Ryukyu Golden Kings, at inaasahang maimamaneho niyang muli ang Meralco tungo sa isa pang tagumpay at maipapakita ang isa pang standout performance laban sa versatile frontcourt ng kanilang kalaban na sina Jack Cooley, Alex Kirk, at Keve Aluma. Depende iyon sa magiging diskarte ni Ryukyu head coach Dai Oketani kung paano susubukin ang galing ni Mitchell.
Mahalaga ang laro para sa Bolts na sinusubukang makipag-agawan para sa playoff spot sa kanilang mga natitirang laban (kabilang ang larong ito).
Masusubok din si Mitchell sa loob ng hard court dahil sa ikalawang pagkakataon ang Ryukyu ay naghahangad rin na makakuha ng number 1 spot sa Final Four, na ngayon ay nangunguna rin sa Group B standings.
Kakailanganin ni Mitchell ang suporta ng kanyang mga kasamahan at gayundin ng kanyang team captain na si Chris Newsome para magkaroon ng pagkakataon ang Meralco na makasungkit ng panalo.
Kailangan di ng tulong ni Newsome para mailapit ang Bolts sa pwesto sa semi finals.
Sa panahon ng paglalaro ni Mitchell sa EASL ngayong season, nag-average siya ng 25 points, 20 rebounds at dalawang assists, at ang paparating na laban na ito ay magpapatunay ng kanyang pagiging tigasin sa elite ng liga.
Magugunitang tinulungan din ni Mitchell ang Bolts na maibalik ang landas ang Meralco matapos namang makuha ang 74-77 loss kontra sa Japan B. League club noong Oktubre.
Samantala, ang Ryukyu na humahawak sa ngayon ng pinakamataas na pwesto sa Group B, ay hindi pa rin ganap na nakasisiguro ng kanilang posisyon. Maaaring nakakuha nga sila ng pwesto sa Final Four, ngunit ang pagkatalo sa Meralco, kasama ng panalo ng P. LEAGUE+'s New Taipei Kings ay maaaring maglaglag sa kanila bilang second seed ng Group B.
Sisikapin ng Golden Kings ngayon na muling manalo at maisiguro ang kontrol sa top seed sa Group B.
