Double gold medal nasungkit ni Angeline Colonia World Junior Weightlifting Championship
Naging maganda ang simula ng pagsabak ng walong young Pinoy weightlifter na nasa bansang Spain ngayon. Nakasungkit agad ng dalawang medalyang ginto si Angeline Colonia sa 45-kilogram event sa nagpapatuloy na International Weightlifting Federation World Junior Championships.
Matagumpay na nabuhat ni Colonia ang 74-kilos na barbell matapos manguna sa snatch. Bukod pa riyan, nakuha pa si Coloni ang isa pang gintong medalya matapos naman na maiangat ang 162-kilogram na barbell kung saan nakuha na rin nito ang unang pwesto.
Bukod sa dalawang gintong medalya, nasungkit din ni Colonia ang silver medal para sa clean and jerk lift na 88-kilogram.
Bukod kay Colonia, inaasahan ding makakasungkit ng medalya si Rose Jean Ramos na susunod na sasabak sa women’s 49-kilogram event ngayong Biyernes, September 20.
Magugunitang una nang sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella, na target nilang malkapag-uuwi ang Pilipinas ng hindi bababa sa apat na medalya mula sa nasabing torneyo.
“I think all of them, maybe four or five, have good chances to win. Hopefully silver or gold in the Junior World Championships. That’s why I’m saying, some of them will be ready for Los Angeles.” ani Puentebella